Tuesday, April 14, 2009
anu ba talaga?
Kahapon nakapagdesisyon na kong kalimutan sya, pero mahirap pala talagang kalimutan ang inalagaan mo na sa puso mo noon pa man. At hindi lang iyon, kung kailan sumuko ka na sa kahibangang alam mong walang patutunguhan, bigla s'yang susulpot at guguluhin uli ang puso mo! Ganito nga siguro talaga ang pag-ibig, kung kailan sumuko ka na, heto s'ya at napamahal na pala sa iyo. Kahit gaano kalabong matutunan ka n'yang mahalin, heto s'ya, may oras ng nilalaan para sa'yo. At kung kailan pinipigilan mo na ang puso mong tumibok uli para sa kanya, kahit na nga ba alam mong s'ya na 'yong humahabol at tinitikis mo lang ang sarili mo para tuluyan ng matigil ang kahibangang ito, sa loob loob mo pa din, hindi mo maikakaila na ang isang tulad nya, na malabong magkagusto sayo ay hinahabol ka na, napakasayang isipin,nakatutuwang pag-ibig, napakasarap umibig sa taong minahal mo noon pa man at nahulog na din sa'yo,
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment