Wednesday, April 15, 2009

Guitar with ilyn

hahaha!! naku' nakakatuwa naman ngayon dahil first day ng pagtuturo sa'kin ng gitara!! wahahaha!!! masaya pala kaya lang kahit papaano mahirap din pala magpatugtog ng gitara lalo na't baguhan pa lamang ako. Hahaha!! sumakit ang daliri ko, ang mataba kong daliri dahil kailangan pa palang mabanat ang daliri ko para magkalayu-layo upang hindi ako mahirapan magdiin ng string. Sumakit talaga ang daliri ko nung idinidiin ko yung daliri ko sa bawat string at hindi lang iyon, nangalay ang braso ko. Nakakangalay pala iyon. Hahahaha!!! Napilitan pa akong maggupit na kuko dahil mahaba ito at hindi daw ako makakapagpatugtog ng maayos kung mahaba ang aking mga kuko sa daliri. Hahahaha!! natutuwa naman ako sa nagtuturo sa'kin, si kuya danny, feeling ko kuya ko s'ya. Hehe, mahaba ang pasensya nya at ayos s'ya magturo hindi katulad ng iba na sumusuko agad kapag makulit ang estudyante, hehe! at ako ang makulit na iyon, hehehe,, sa susunod ulit! kapag bihasa na ako" naks! sana mangyari nga! ngayong bakasyon kailangan matuto ako kahit simpleng chords lang basta matuto ako at alam kong matututo ako dahil nandyang si God, hindi n'ya ako pababayaan.

No comments:

Post a Comment